Papaano lulutasin ang laganap na krimeng gawa ng ‘riding-in-tandem’

Bunga ng pagdami ng krimeng kinasasangkutan ng mga nakasakay sa motorsiklo, inilunsad ng pulisya ang Tactical Motorcycle Units, na tutugon sa mga krimeng kinasasangkutan ng tinatawag na “riding-in-tandem”.

Sa ulat ni JP Soriano sa ‘Balitanghali’ ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabing umabot sa halos 3,000 ang krimen na kinasangkutan ng riding-in-tandem na naitala ng Philippine National Police sa buong bansa noong 2011.

“Napakadaling kumuha ng motor. Yung monthly amortization mo, napakababa. So they’re shifting to motorcycles. But the criminals or ito pong gumagawa ng pagnanakaw na ito ay nagsi-shift lang doon kasi gusto nilang i-take advantage yung you can easily maneuver the motorcycles when they want to escape,” ayon kay Sr. Supt. Dionardo Carlos, spokesperson ng NCRPO.

Sinabi ni Carlos, na mayroong kakayahan ang mga pulis na labanan ang mga kriminal na nakasakay sa motorsiklo. Ngunit kinakailangan muna nilang malaman kung kailan o saan nagaganap ang krimen.

“Our policemen must have the skills to maneuver the motorcycle, make use of motorcycles as defense at the same time, yung power niya to be able to go and arrest the motorcycle-riding criminals,” aniya.

Ayon sa opisyal, sa pamamagitan ng isang (phone) hotline ay maaaring i-report ang nagaganap na krimen.

Sa isang opisina sa Camp Bagong Diwa sa Taguig napupunta ang mga isinusumbong sa hotline. Ginagamit ng pulisya ang digital map at Global Positioning System (GPS) upang makita ang pinakamalapit na police mobile sa lugar ng krimen.

Kaagad namang ipapadala ang nakalap na impormasyon sa pinakamalapit na pulis na nasa lugar ng pinangyarihan ng krimen.

“Mayroon tayong motorcycle cops, we equip them with radio communication equipment para yung tactical operations center can immediately alert and intervene even the check-point operation kung mayroong nangyayaring insidente,” paliwanag niya.

Gayunman, kaunti pa lang umano ang mga police car na may GPS capability, ayon sa ulat.
Sa ngayon, malaking tulong ang mga CCTV camera sa paghuli ng mga kriminal.

Ayon kay Carlos, pinag-aaralan na ng pulisya na gawing mandatory sa mga nagmomotor na maglagay ng plaka sa harap at likod ng kanilang mga motorsiklo.

Maliban dito, nais din nilang ipagbawal ang mga helmet na tinted at hindi nakikita ang mukha ng mga nagmamaneho.

Apektado ang mga matinong nagmomotorsiklo

Dahil sa pagdami ng mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo, maging ang mga matinong mamamayan na gumagamit ng nasabing uri ng sasakyan ay naapektuhan.

Ayon kay Atoy Sta. Cruz, pinuno ng Motorcycle Philippines Federation, pinagduduhan at napagkakamalan na rin silang kriminal.

Dahil dito, umaasa silang malulutas na ang problemang dulot ng riding-in-tandem.

Pero habang hindi pa, nagbigay siya ng ilang mungkahi para labanan ang mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo.

“Kung mayroong paikot-ikot na medyo suspicious looking, i-video mo na hindi ka nakikita. Para kapag nagkaroon ng insidenteng malaki roon, maibibigay mo sa pulis ‘yan,” paliwanag niya.

Iminungkahi rin niyang pagsuotin ng gloves ang mga nakasakay sa motorsiklo, lalo na ang naka-angkas.

“Tatanggalin mo (ang gloves), delay ‘yan e. Tanggalin mo pagbunot ng baril. So kung wala kang gloves, sitahin na agad ng barangay ‘yan,” paliwanag niya.

Iminungkahi naman ng Volunteers Against Crime and Corruption na pansamantalang ipagbawal muna ang riding-in-tandem habang wala pang solusyon sa problema.

Sa mga may impormasyon tungkol sa nagaganap na krimen, maaaring tumawag sa PNP Nationwide Text Hotline na 2920.

Maaari ring makipag-ugnayan gamit ang NCR Text Hotline sa mga numero — 0915-8888181 at 0999-9018181. – Mandy Fernandez/ FRJ, GMA News  (Papaano lulutasin ang laganap na krimeng gawa ng riding in tandem)

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s