People’s Survival Fund ganap nang isang batas

Ganap nang batas ang People’s Survival Fund matapos itong lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ang nasabing batas ay naglalayon na makapagpapatupad ng agarang aksiyon ang panahalaan kontra sa epekto ng climate change para makapaghanda sa anumang kalamidad ang mga komunidad sa Pilipinas, ayon sa ulat ni Tuesday Niu sa DZBB.Sinabi ni Climate Change Commission Secrertary Mary Ann Sering na P1 bilyon kada taon ang paunang pondo na ilalaan para sa PSF.

Maaari umanong madagdagan ang budget sa pamamagitan ng mga donasyon, grant at kontribusyon.

Naniniwala si Sering na sa pamamagitan ng nasabing batas magkakaroon na ng pundo na maasahan sa panahon ng kalamidad at mapatatatag ang mga komunidad laban sa matinding epekto ng climate change sa bansa.

Pinagtibay ng PSF ang ilang probisyon ng Republic Act 729 (Climate Change Act of 2009) para masegurado na akma ang ipinatutupad na local program laban sa mga sakuna ang mga komunidad.— LBG, GMA News

People's Survival Fund ganap nang isang batas  
Signing into Law of People's Survival Fund Bill
a Triumph for the Filipino People
Advertisements

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s