Pakikiramay at pagtanggap sa hamon ng mga simulain

Opisyal ng Pahayag

Citizens’ Congress for Good Governance, Inc. Marikina City, Philippines

Pahayag ng pakikiramay at pagtanggap sa hamon ng  mga simulain ni DILG SEC. JESSE ROBREDO
(Sa bawat pagsapit ng dilim at paglubog ng araw, may bukang Liwaway tayong daratnan)

Nakiki-isa ang pamayanan ng Lungsod ng Marikina at ang lahat ng organisasyong kasapi ng CITIZENS’ CONGRESS FOR GOOD GOVERNANCE (C2G2), INC., sa pamilya at sa buong bansa sa pagluluksa sa biglaang pagpanaw ni Secretary Jesse Robredo. Ang C2G2 at si Secretary Robredo ay may iisang adhikain at iyan ay ang pairalin ang tama at mahusay na pamamalakad ng gobyerno o “Good Governance.”

Si Secretary Robredo ay isang mabuting tao at makatao, kaya naman siya ay tinitingala at pinupuri ng kanyang kapwa tao. Nang dahil sa kanyang mabuti at mahusay na pamamalakad bilang Mayor ng Naga City, ito ay umunlad at isa sa mga nanguna bilang isang pangunahing syudad sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng kanyang mabuting halimbawa, siya ay dapat tularan ng lahat ng namamahala ng ating gobyerno upang makita natin ang pagsulong ng ating bayan – maaari palang mangyari ito, tularan lamang natin ang halimbawa ni Secretary Robredo.

Isa sa binabalak gawin ng C2G2 sa mga darating na araw ay anyayahan si Secretrry Robredo upang maging “guest speaker” sa isa sa mga pagpupulong nito upang makinig sa kanyang magagandang kuro-kuro at halimbawa at siya ay makaniig at makilala ng personalan. Hindi na mangyayari ito dahil wala na siya.

Naiwan na lamang niya ang isang ala-ala ng isang mabuting tao. Pambihira ka Secretary Robredo, ang sabi nga, “you are one in a million.” Ikaw lamang ang maaaring tawaging “Mr. Good Governance.”

Salamat sa iyong simulain – ang iyong paglisan ay isang hamon sa C2G2. Ipagpapatuloy ng Citizens’ Congress for Good Governance (2G2) ang iyong sinimulan at tatapusin ito ng taongbayan.

SA MGA KINAUUKULAN –

Napakalaking sapatos ang iniwan ni Secretary Robredo na isusuot ng mapipiling susunod sa kanyang yapak. Ang C2G2 ay nakikiusap sa ating Presidente Noynoy, na pumili ng isang taong karapatdapat sa pwestong iniwan ni Secretary Robredo.

Bishop Benedicto Navarro
Chairman, C2G2
August 23, 2013

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s