“Ang sinimulan ni Sec. Jesse Robredo ay daluyong ng pagbabago na wawasak sa anumang uri ng pagmamalabis sa Taongbayan”

Hindi sapat ang papuri, respeto sa pagpanaw ni Jesse Robredo. Mas ikagagalak ni Sec Robredo kung sa kanyang pagkawala ay maging hamon na ituloy ang kanyang sinimulan. Ang lahat ng magagandang kontribusyon ni Sec. Robredo ay mapupunta sa kawalan kung ang lahat ng kanyang iniwan na mamamayang Pilipino ay hangang papuri na lamang at pagkalipas ng ilang panahon ay naaalala na lamang ay ang pagiging tao ni Sec. Rpbredo at hindi ang kanyang nagawa/ginawa, mga kontribusyon sa pagbabago ng Lipunan.

Ang pag-unlad ng NAGA CITY sa kanyang panahon ay dahil sa kanyang pagkilala na ang pangkaraniwang tao ay may puwang sa pamamahala at pagpapasya tatahakin na pagpapaunlad ng Bayan. Ang labis nating pasasalamat ay hindi dahil sa personalidad ni Sec. Robredo bagkus ito ay dahil tinanggap niya na ang pagbabago, pagpapaunlad ng Lipunan ay hindi monopolyo ng mga Politiko, bagkus ito ay nasa kamay mismo ng taong bayan.

Huwag nating parangalan si SEC. JESSE dahil sa kanyang legacy, bagkus parangan natin siya dahil sa kanyang accomplishment sa Bayan. Huwag ikalungkot ang kanyang pagpanaw dahil nagsisimula pa lamang tayo ng tunay na krusada ng pagbabago, gabay ang mga aral na iniwan ni Sec. JESSE ROBREDO- Ang Ama ng “GOOD GOVERNANCE” ng sambayanang Pilipino. Ang Lipunang ito na sadlak sa pusali ng karukhaan ay aahon sa ating pagsisikap. Ang pagkasadlak ng taongbayan sa putik ng pagdurusa sa kagagawan ng mga politkong pansarili ang pagnanasa ay aahon at iguguhit ang sariling kapalaran. Gigibain ng taongbayan ang Gobyernong pinapagalaw ng minoryang nagdodomina sa ating Lipunan.

Please follow: Pinoy Politika @ Facebook

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s