Statement of Secretary Mar Roxas on his appointment as the Secretary of the DILG

Pahayag ni Manuel A. Roxas II:
Sa kanyang pagkakahirang bilang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal

[Ika-31 ng Agosto 2012]

Unang-una, nagpapasalamat po ako sa Pangulong PNoy sa patuloy na tiwala na ipinagkaloob niya sa akin. Gagawin ko ang lahat upang hindi mabigo ang Pangulo at ang sambayanan sa tiwalang ito.

Napakalaki, napakalawak, napakaselan at mabigat ang responsibilidad ng pagiging Kalihim ng DILG. More than this, I have big shoes, or big tsinelas, to fill. Hindi po ako si Jesse Robredo. Kumpara sa kanya, marami po akong mga kakulangan. Subalit maaasahan po na gagawin ko ang lahat, sa abot nang aking makakaya, upang bigyang respeto ang legasiya ni Sec. Jesse. Magiging gabay ko ang kanyang alaala habang tinutupad ko ang mga tungkulin bilang Kalihim ng DILG.

Pabubungahin ko ang kanyang mga itinanim. Kasama na diyan ang pagbabalik niya ng respeto at dignidad sa mga ordinaryong mamamayan at sa buong sambayanan. Transparency, accountability, iyong people empowerment—iyong pagsasali ng pangkaraniwang tao sa mga desisyon ng pamahalaang lokal at pati na rin sa pamahalaang nasyonal—ang mga hallmarks ng liderato ni Sec Jesse; at lahat ito ipagpapatuloy po natin.

Nagpapasamat din ako kay Ma’am Leni sa suporta at kumpiyansa na ipinaabot niya sa akin. Makakaasa po siya at ang kanyang pamilya na hindi mababalewala ang mga itinanim ni Sec Jesse sa kanyang trabaho sa pagiging Kalihim ng DILG.

Nagpapasalamat din po ako sa DOTC family sa lahat ng kanilang trabaho na ipinakita nitong nakaraang higit sa one year, at masasabi ko po kay incoming Secretary Jun Abaya na mayroong mahusay na team diyan sa DOTC na gagawin ang kanilang trabaho para maging mas magaan ang kanyang pagpasok sa ahensyang ito.

Muli, nagpapasalamat po ako sa tiwala ng Pangulo. I continue to serve at his pleasure. Habang tinitimon ng Pangulo ang barko ng bansa, karangalan ko po na makisagwan, sa pagtulong sa kanyang agenda.

Maraming salamat. Magandang hapon.

Source: Pahayag ni Manuel A. Roxas II

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s