“HUWAG MAGING tradisyonal na Botante; Tradisyonal na Politiko- ITAKWIL, HUWAG TANGKILIKIN”

Ang 2013 ay election year. Ang lahat ng may kinalaman sa politica ay pawang naghahanda na. Grand standing and posturing, eka nga. Ano naman ang papel ng mamayan kapag-election na?

ORAS NA PARA MAKIALAM! ORAS NA PARA MAKILAHOK! ORAS NA PARA MANINDIGAN!

Maraming nagsasabi-

“Bakit pa ako boboto, pare-pareho lang naman ang mga kandidato. Mangangako pero mapapako. Gagamitin lang ang taxes ng mga Pilipino para magpayaman. Wala nang pag-asa ang Pilipinas.

Ang sabi ko naman ay –

MERON pang pag-asa, kung ang sambayanan ay maninindigan at magiging instrumento ng pagbabago. May pag-asa pa ang Pilipinas kung gagamitin ng bawat mamayan ang kanyang boto sa mabuting paraan. Huwag tayong magpadala sa sinasabi ng iba na “walang mangyayari diyan”. Isipin mo na lang kung ganon tayong lahat mag-isip! Talagang walang manyayari! Kaya nating baguhin ang kinabukasan ng ating bansa.

Isipin mo na lang kung 50 milyong botong may paninidigan ang magsama-sama, ayos na ang Pilipinas. Di nga ba, kaya binibili ito ng mga corrupt na kandidato? Ang mga ganitong mandarayang kandidato ang mga hindi dapat iboto dahil umpisa pa lang, sila ay mga kaaway na ng bayan.

Huwag na huwag mong ibenta ang boto mo. Para mo na ring ibinenta ang kaluluwa mo. Pero meron kang integridad at paninindigan, diba? Sabihin mo at maniwala ka, ibang klaseng Pilipino ako. Ibang klaseng Pilipino na hindi ipagbibili ang kinabukasan ng aking bansa, at ang kinabukasan ng aking pamilya. Isang Pilipino na marunong makialam sa isang mahalagang pagdedesisyon ng buong sambayanan.

Isang Pilipinong may pag-asa, may paniniwala na hindi pa huli ang lahat para sa Pilipinas. Kaya nating bumagon, kaya nating magbago kung gugustuhin natin.

Gaano ba talaga kahalaga ang iyong boto? Hindi lang ito obligasyon bilang isang Pilipino, at hindi ito “pakiki-uso.” Hindi lang ito pagre-register, pagpila sa voting centers, lapis at papel, Pcos machines at indelible ink sa daliri. Ang boto mo ay boses mo.

Ito ay pagkakataong patunayan sa sarili na may karapatan kang magsalita, mag-isip, at pumili nang maayos. Ang boto mo ay pagkatao mo. Ang boto mo ay dangal at lakas mo na pantay kahit na kanino. Isang tao, isang boto!

At kung lahat tayo ay boboto, maipaparating natin ang saloobin ng nakakaraming Pilipino, ang majority.

Hindi kinakailang palagiang maging “silent majority” tayo. Ito ang oras at araw natin upang ipadinig ang nagiisang tinig ng pagbabago!

By: Bishop Benedicto Navarro
    Chairman, C2G2

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s