Condo at opisina ni Robredo, tinangka umanong pasukin ni Puno

Tinangka umanong pasukin ni Undersecretary Rico Puno ang condo unit at opisina ng yumaong Interior Secretary Jesse Robredo ilang oras matapos bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano sa Masbate.

Tinangka umanong pasukin ni Undersecretary Rico Puno ang condo unit at opisina ng yumaong Interior Secretary Jesse Robredo ilang oras matapos bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano sa Masbate.

Alas-10:30 ng umaga nang dumating ang grupo ni Puno at tangkaing pasukin ang condo ni Robredo sa Quezon City batay sa logboook ng condominium.

Nakapasok sa penthouse ng condominium ang isang Supt. Oliver Tanseco habang nasa labas naman si Puno at iba pang kasama.

Hindi umano pinapasok ng kasambahay ni Robredo ang mga ito.

Dahil dito, tinawagan umano ni Tanseco ang abogado ni Robredo ngunit hindi rin nito pinapasok ang mga ito hangga’t walang naiprepresentang search warrant.

Kasama rin umano ni Puno ang isang Sr. Supt Joel Pagdilao at isang Apollo Reuben Toganon.

Bago ito, nagpunta rin umano ang grupo ni Puno sa mismong tanggapan ni Robredo sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City at matapos sa condominium ay tinungo naman ang opisina ng yumaong kalihim sa National Police Commission (NAPOLCOM). 

Batay naman sa logbook ng NAPOLCOM, alas-11:10 ng umaga nang dumating sina Puno. 

Kinumpirma naman ni Social Welfare Sec. Dinky Soliman na nakatanggap ng tawag ang maybahay ng kalihim na si Atty. Leni Robredo dahil magkatabi lang aniya sila nang mangyari ito. 

Ang mga kaganapang ito umano ang dahilan kung bakit iniutos ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na i-secure ang mga dokumento ni Robredo. 

Ayon sa sources ng ABS-CBN, tila may hinahanap ang grupo nina Puno. 

Nasa opisina ni Robredo ang mga dokumento ng imbestigasyon nito laban sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian. 

Dagdag pa ng source, mismong si Puno at ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang target ng imbestigasyon. 

Dalawang linggo bago mamatay si Robredo, naipaalam na umano ni Robredo sa Pangulo ang tungkol sa imbestigasyon. 

Ilang beses sinubukan ng ABS-CBN News na kunin ang panig ni Puno ngunit tumanggi ito. Report from Anthony Taberna, ABS-CBN News

Condo at opisina ni Robredo, tinangka umanong pasukin ni Puno By dzmm.com.ph | 19:42 PM 09/06/2012 DZMM Radyo Patrol 630 – Silveradyo | 19:42 09/06/2012

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s