Inuman ng mga NBI agent sa mismong opisina, nauwi sa insidente ng pamamaril

January 12, 2013 9:13pm

Iniutos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima na imbestigahan ang insidente ng pamamaril sa loob ng tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila kung saan isang ahente ang nasugatan.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ligtas na ang nabaril na NBI agent habang nakakulong naman ang ahente na nakabaril sa kanya.

Batay umano sa impormasyon na ibinigay NBI Director Nonnatus Caesar Roja, sinabi ni De Lima na nagkaroon ng inuman sa loob ng opisina ng NBI dahil mayroong nagdiwang ng kaarawan nitong Biyernes ng gabi.

Lasing umano ang dalawang ahente at nagkapikunan na nauwi sa insidente ng pamamaril.

Dahil ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa loob ng opisina, iniutos ni De Lima ang imbestigasyon sa nangyaring insidente para maparusahan ang mga dapat managot.

Sa isang ulat ng dzBB radio nitong Sabado ng umaga, kinilala ang nasugatang NBI agent na si Joey Guillen, na dinala sa Manila Doctors Hospital dahil sa tinamong dalawang tama ng bala ng baril.

Sa paunang imbestigasyon umano ng Manila Police District Station 5, dakong 9:00 p.m., nitong Biyernes nang makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa nangyaring insidente sa opisina ng NBI.

Idinagdag sa ulat na batay sa impormasyon ng MPD, pinapakalma umano ni Guillen ang isang kasamahan nang “aksidente” raw itong mabaril ng kanyang kapwa ahente ng NBI.

Noong Agosto 2012, isang ahente ng NBI ang nasawi matapos na makipagbaril umano sa jail warden sa loob ng NBI compound sa Maynila. (Basahin: Shootout in NBI compound, one NBI agent dead). —FRJimenez, GMA News

Advertisements

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s