Buhay ng FOI bill, nakasalalay sa kamay ni PNoy, ayon sa kongresista

FOIAminado ang ilang kongresista na milagro at basbas ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kailangan para maging batas ang kontrobersiyal na Freedom of Information (FOI) bill bago magbakasyon ang Kongreso sa susunod na linggo.

“It is no longer feasible to pass (the FOI Bill) unless President Aquino miraculously certifies it,” pahayag ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat Jr.

Ang mga panukalang batas na sinertipikahan ng pangulo na “urgent bill” ay binibigyan prayoridad na talakayin ng Kongreso at nababawasan ang proseso ng deliberasyon para kaagad maipasa gaya nang nangyari sa Reproductive Health (RH) law at Sin Tax law.

Magbabakasyon simula sa Pebrero 8 ang Kongreso, na hudyat din ng pagsisimula ng kampanya kaugnay sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Dahil dito, sinabi ni Baguilat na kapos na sa panahon para matalakay pa ang FOI bill, ang panukalang batas na sinasabing magpapalakas sana sa isinusulong na transparency ng pamahalaan.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, mabibigyan ng karapatan ang publiko na masilip at makahingi ng mga impormasyon kaugnay sa pinapasok na transaksiyon at proyekto ng gobyerno.

Inayunan naman ni Cibac party-list Rep. Sherwin Tugna ang pananaw ni Baguilat tungkol sa kakapusan ng panahon para matalakay pa ang FOI bill sa Kamara.

“Sad to say, the remaining three days are not enough. Also, based on my personal observation, even if Aquino steps in, the bill will not pass three readings. The bill will be subjected to interpellation and debate that will

require more than three days,” paliwanag niya Tugna.

Naniniwala maging si Easter Samar Rep. Ben Evardone, pinuno ng House committee on public information, at nag-isponsor ng FOI bill, na imposible pa nilang mailusot ang panukalang batas sa kasalukuyang Kongreso.

Matapos ma-isponsor nitong linggo, hindi na gumalaw sa plenaryo ang FOI bill. Noong Disyembre, naipasa ng Senado sa ikatlong pagbasa ang bersiyon nila ng FOI bill na tinawag na People’s Ownership of Government Information or Pogi Bill.

Isa sa pinagtatalunan sa panukalang batas ay ang paglalagay ng probisyon na “right of reply” (RoR), kung saan uobligahin ang mga mamamahayag na bigyan ng karapatan ang mga taong tatamaan na sumagot sa gagawing ulat na magmumula sa mga makukuhang impormasyon gamit ang FOI. RP/FRJ, GMA News

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s