Tula: Mga Katangian Ng Tunay Na Lider

(mga talata halaw sa tula ni Carlos Castro)

Si Haring Solomon ang siyang nagsabi
Ang tunay na lider ay mapagkandili
Hindi bindiktibo at di mapanuri
At kung mag-utos ay hindi parang hari.

Ang hanap kong lider ay handang magbata
Handang magpasakit at handang magdusa
Lahat ng paraan hahanapin niya
Mapaglingkuran lang mga maralita.

Katulad ni Cristo, siya’y mapagmahal
Lalo sa mahirap pati walang dangal
Ginagawa ito di upang ihalal
Kundi dahil sa Diyos sa kanya’y nagmahal.

Sinumang may nais na maging dakila
Dapat siyang maglingkod ng tapat at kusa
Di pinaglilingkurang parang hari’t reyna
Sa gawang mabuti laging nagunguna.

Source: tula ni Carlos Castro

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s