Sa taga-subaybay ng c2g2

Ang mga sumusunod ay isang pagpapaliwanag kung ano ang patakaran ng Citizens’ Congress for Good Governance (C2G2) sa mga ilang bagay tungkol sa pagpapalakad nito bilang isang Organisasyon.

UNA: Ang C2G2 ay binubuo ng iba’t ibang sector dito sa Marikina at ito ay hindi nakikialam sa pamamalakad ng bawat kasaping sektor, maliban na lamang sa humihingi ng tulong upang maisaayos kung may kagulohang nangyayari sa kanilang Samahan;

PANGALAWA: Upang maiwasan ang pagkakaruon ng kulay politika, iniiwasan ng C2G2 na tumanggap bilang kasapi ng anumang “partido politikal” o sinomang politiko na nais maging kasapi. Kung nagkataon na ang isang kasaping samahan ay pumasok sa election bilang taga suporta ng isang Kandidato, ito ay pansamantalang itinitiwalag upang maiwasan na isipin ng taongbayan na ang C2G2 ay may kinikilingan.

Ang magandang halimbawa nito ay “SuporTADO” na sumusuporta kay Tado at ang Samahang Magdalo, na isang Party List at sumusuporta sa pagka Senatorial Candidate ni Ginoong Trillanes. Ang C2G2 ay nagpapasalamat sa mga pamunuan ng dalawang organisasyong ito sapagkat tinanggap nila ang ganitong unawaan. Pagkatapos ng election, kakausaping muli sila ng C2G2 sa estado ng kanilang pagiging kasapi.

PANGATLO: Ang C2G2 kailanman ay hindi tumanggap o kumupkop ng mga tao na napaalis sa kanyang dating organisasyon. Kung may nakikita man kayong mga tao na napaalis sa inyong Samahan na kasama sa mga litratong naka-post sa aming Facebook, sila po ay mga nag volunteer ng NAMFREL na ngayon ay kaalyado ng C2G2 sa darating na Election sa Mayo 13. Ang NAMFREL-Marikina ay tumatanggap ng mga taong nais tumulong sa darating na election at sa inaakala nilang may pagmamahal sila sa bayan. Kami’y nanalig na hindi ninyo mamasamain kung may mga taong nais tumulong sa NAMFREL sa ikabubuti ng Election at Bayan.

PANG-APAT: Hindi kami nakikipag-away kaninuman. Ang kaaway ng C2G2, ay ang katiwalian, ang kasamaan, ang pagsasamantala sa bayan, ang graft at corruption na ating nakikita sa ating kapaligiran. Kung may mga tao man, lalo na ang umuugit ng ating pamahalaan na siyang gumagawa ng ganitong bagay, tinatawag namin ang kanilang pansin upang tigilan na ang pag-gawa ng ganito. Kung hindi makuha sa sulat o pag-uusap, saka tayo gumagawa ng hakbang upang ang lahat ng ito ay matigil at maiwasto.

PANG-LIMA: Sa mga Samahan na kasapi ng C2G2, ay mas mahigpit ang aming pagbabantay sa kanila. Katatapos lamang ng aming imbestigasyon sa PCCI-Marikina, hingil sa kanlang usapin sa Tiangge 2012, bunsod na rin ng pagnanais ng nakakaraming kasaping-sektor na malaman ang katotohanan, alamin ang tunay na mga sangkot at linisin ang mga pangalan ng buong samahan ng C2G2 na napupulaan sa naturang isyu. Ang resulta ng aming imbestigasyon ay aming ilalabas sa lalong madaling panahon.

PANG ANIM: Ang C2G2 ay tumatanggap ng mga sumbong na galing sa mga concern citizens na nagpapaabot sa amin ng mga maling gawain na kanilang nakikita, subalit ito ay amin munang sinisiyasat (verify) bago kami gumawa ng hakbangin upang maiwasan ang anumang pagkakamali. Hindi po sa kami ay hindi naniniwala sa anumag ipinaparating sa ating organisasyon, nais lamang po nating gawing mas detalyado ang anumang hakbang na isasagawa. Lubusan po ang aming pasasalamat sa mga taong nagtitiwala at naniniwala sa C2G2 at patuloy po naming kayong hinihikayat na ipagpatuloy ninyo ang pakikipagtulungan, sapagkat ang C2G2 ay naininiwala na kaya nating harapin ang mga problemang ito kung kayo ay aming kaisa at kasama sa labang ito.

At, PANG-PITO: Ang C2G2 ay umiikot sa iba’ibang Barangay upang magbigay ng Electoral Community Forum (Voter’s Education). Kami ay naniniwala na “Knowledge is Power and Ignorance Destroys the People”’. Wala kaming isinusulong na kandidato. Ang sinusulong natin ay ang tamang pamamaaraan ng pagboto. Kami ay naninwala na GOOD GOVERNANCE STARTS FROM ELECTION. Tulungan ninyo kami. Ang aming ginagawa ay para sa inyo, sa ating lahat, sa bayan, sa kinabukasan ng ating mga anak.

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT

Citizens’ Congress for Good Governance (C2G2)
April 16, 2013

Advertisements

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s