“SERBISYO PUBLIKO, ‘WAG GAWING NEGOSYO”

serbisyo

Weather, weather lang daw. Kanya-kanyang diskarte! Mula sa halal na opisyal at ilan sa pangkaraniwang empleyado ng ating Gobyerno.-ang tingin sa kanilang posisyon ay isang personal na Negosyo.

Busisiin natin ang mga scrap disposal ng ating lokal na pamahalaan- nasaan na ang barkosa ilog, mga scrap sa ginibang lumang Justice Hall, mga junks o mga sirangkagamitan? Saan napunta ang malaking diperensya ng inbentaryo ng Property, Plant and Equipment?  (P691.01M nuong 2010, P96.252M nuong 2011, P36.714M nuong 2012) Ang presyo ng semento nuong 2011 ay P195 per bag lang, ang bili ng LGU ay P275 per bag–overpriced by 41%. Paano pa ang ibang materyales?

Di ba’t kailangan mong may padulas para  mapabilis ang transaksyon? Di ba’t pag nahuli kang lumabag sa ordinansa-may kotong o lagay? Di bat’ uso na naman ang special treatment, special arrangement, compromise at iba pang klaseng kasunduan sa pagbabayad? Bakit walang malinaw na polisiya tungkol sa financial assistance o grant?  Di kaya mas malaki ang halaga ng nasa voucher kaysa natanggap natulong?

Bakit wala tayong malinaw na Annual Development Plan, Annual Procurement Plans at Project Procurement Management Plans na siyang basihan sa Annual Budget? Saan napupunta ang malaking bahagi ng Development Fund?  Bakit ito hindi nagagamit sa tamang makikinabang?

Alam nyo ba na sa tarpaulin lang, ang ginastos ng LGU sa 2011 ay P3.93M  at kung sa halagang P12 per square foot ay may katumbas na 327,500 square feet na kayang takpan ang buong Marikina Sports Parks.

Honoraria grant para sa mga komite ng Syudad ay nagkahalaga ng P6,847M in 2012. Alam nyo ba na tayo ang isa sa pinakamaraming consultants kuno?  Walang malinaw  na nakasulat na job description, walang accomplishment reports at lalong walang expertise pero marami ang kamag-anak at automatic pa ang renewal ng kontrata.

Huwag nating ipaubaya sa iilan ang Kinabukasan ng ating Bayan. Kaya nga tayo nang,,,MAGBUSISI, MAKIALAM at MAKILAHOK!  “Let us do our Share and insist our Rights!” ###

C2G2 statement during the 2014 International Labor Day at Marikina City

Advertisements

One thought on ““SERBISYO PUBLIKO, ‘WAG GAWING NEGOSYO””

Your Opinions...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s